Biyernes, Disyembre 14, 2012

Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng Teritoryo



BANGHAY ARALIN
Pangkalahatang Impormasyon
May Akda
 Hindi inilahad
Pamagat ng Aralin
Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng Teritoryo
Pamamarati
 45 minuto
Lugar
 Silid Aralan
Asignatura/Paksa
Araling Panlipunan III
Grado
 Ika-walo
Curricular Standard(s)
Not specified but activity directly addresses one or more standards
Technology Standard(s)
Not specified but activity directly addresses one or more standards
Layunin at Pagsusuri
Mga Layunin
  • Natatalakay ang mga dahilan at salik na nakaapekto sa ginawang eksplorasyon ng mga Europeo sa Silangan
  • Nakikilala ang mga unang nabigador na nagpasimulang naglakbay sa katubigan
  • Nasusuri ang mga dahilan kung bakit pinakinabangan ng mga Eupeo ang kalupaan at mga tao na kanilang natagpuan sa Asya, Aprika at Amerika
  • Nahihinuha ang posibleng epekto ng pang-kalakalan at kolonyal na ekspansiyon ng mga bansang Europeo sa Asya, Aprika at Amerika
  • Nakapagbibigay ng sariling opinion sa kabutihan at di kabutihang naidulot ng iksplorasyon at kolonisasyon sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga bansang sinakop
Pagsusuri
  • Panimulang Pagsusulit
  • Paglalahad ng mga natutunan
  • Panulat na Pagsusulit bilang pangwakas
  • Takdang Aralin
Paghahanda
Kagamitan/ Sanggunian
  • Mapa ng mundo
  • Pisara at tsok
  • Mga larawan ng mga Eksplorador at lugar
  • Modyul 14 Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng Teritoryo
Dahilan ng pag-gamit nito ay: Upang mas maunawaan ng mga mag-aaaral and paksang tinatalakay. Sa ganoong paraan, ay magkakaroon sila ng sarili nilang imahinasyon sa paraan ng Eksplorasyon at Pagpapalawak ng Teritoryo ng mga taga-kanluran.
Paghahanda ng Mag-aaral
  •     Ang mga mag-aaral ay inaasahang magdadala ng kanilang kwaderno at panulat ng sa gayon ay maitala nila ang mga importanteng detalye sa talakayan.
  •       Maaaring makatulong ang kanilang mga nalalaman bago pa man ang talakayan sapagkat mas mapapadali nitong maiintindihan ang diskusyon.  
Paghahanda ng Guro
  •  Pagkakaroon ng maayos na interaksyon sa klase habang inilalahad ng maayos ang mga pangyayari o ang mga itinuturo, nang sa gayon ay hindi mag-alinlangan ang mga mag-aaral na magtanong pag mayroong hindi maunawaan.
  • Pagiging handa sa itatalakay na aralin. Narapat lamang na gamay ng isang guro ang kanyang tatalakayin nang sa gayo’y masisiguro na matuturo ng maayos sa klase ang bawat paksa.
  • Pagpapakita ng awtoridad sa mga estudyante na kaya ng guro na panghawakan ang kanyang klase.
Pamamaraan
Gawain ng Mag-aaral
  1. Sa simula ng talakayan ay pipili ang mga mag-aaral ng kanilang kapareha. Silang magkapareha ay magtutulungan na intindihin ang tinatalakay ng guro. Maaari silang magsulat sa kanilang kwaderno para sa mga importanteng bagay na nababanggit ng kanilang guro.
  2. Pagkatapos ng talakayan sa klase ay bibigyan ang bawat magkapareha ng isa sa mga paksang tinalakay. Ang paksang kanilang makukuha ay bibigyan nila ng buod base sa kanilang pagkakaiintindi. Maaari rin nilang gamitin ang kanilang kwadernong pinaghsulatan ng mga paksa upang magsilbing gabay sa kanila.  
  3. Ang buod ay kanilang ilalagay sa isang malinis na papel. Matapos gawin ang buod ay bibigyan ng pagkakataon ang bawat magkapareha na talakayin ang ginawa nilang buod.
  4. At kung magkataon na hindi matapos ang lahat ng magkakapareha sa itinakdang oras upang magtalakay, ay ipapasa na lamang nila ang kanilang ginawang buod sa guro.
Gawain ng Guro
  • Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magtanong sa gagawing aktibidadis. Ipaliwanag ng mabuti upang hindi paulit-ulit.
  • Magbigay ng halimbawa sa paggawa ng buod at kung anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa gagawing buod, kung paano ito sisimulan at tatapusin.
  • Habang ipinapaliwanag ng bawat magkapareha ang kanilang buod ay maaaring itama ang mga maling naisulat (kung mayroon).
  • Bago matapos ang klase ay iwanan ang mga mag-aaral ng ilang katanungan patungkol sa paksang tinalakay nang sa gayon ay mas lumawak pa ang kanilang kaalaman. Magsisilbi itong asignatura para sa mga mag-aaral.
o   Anong bansa ang nag-umpisa ng eksplorasyon sa mga bansang nasa Asya, Aprika at Latin Amerika?
o   Sa iyong palagay, ano pa ang mga bagay na dapat paghandaan ng isang nabigador kung siya ay patungo sa isang mahabang paglalakbay? Bakit sa iyong palagay ay kailangan ang mga ito?
o   Kung kayo ang magpapalawak ng inyong teritoryo, anong bansa ang sasakupin n’yo at bakit?

                                                                             Inihanda Nina:


                                                                   FLORA MAE B. GABRIEL                                                                         BASILISA NABILINO
                                                                             (Mga Guro)



Iniwasto ni:


SHERYL R. MORALES, Ph.D
Punung-Guro